Respectfully Yours

Chapter 37



Chapter 37

Anikka

Nanlaki ang mga mata ko na sinabi ni Lolo.

"May nabuo na ba?"

Nabuong pagmamahalan oo, pero hindi nabuong bata? Wala!

Oo may nabuong pagmamahalan pero takot naman akong aminin ito sa kanya..Parang baliw lang,

paano may mabubuo kung hindi ka aamin? I am still afraid of the consequences na maaring mangyari,

Natatakot pa rin ako masaktan, natatakot ako na mabaliw sa kakaiyak. Gaya sa nababasa ko sa mga

novels, napakahirap masaktan at ayokong maranasan iyon. Oo duwag na kung duwag pero ayoko lang

masaktan at wala pa akong lakas loob para sabihin sa kanya. Para kasing uurong yung dila ko

pagkaharap ko siya, natitiklop ako.

Maya maya ay natapos na kaming kumain. Sinabi ni Lukas sa akin na ihatid ko daw siya sa unit niya

para makakuha siya ng damit, dahil nakabalandra daw yung katawan niya sa harapan ko, baka

pagnasaan ko. Ang kapal ng pagmumukha!

Hay nako Anikka halos mag laway ka na nga sa tuwing nakikita mo ang nagtitigasan niyang abs.

Dammit! Ang landi landi ng utak mo Anikka. Umayos ka!

Napailing ako ng ulo sa naisip. Nagkakaganito naman na ako simula ng makilala ko itong hinayupak na

ito.

Sumakay na sa Honda Jazz ko

Oo yung pinakamamahal kong sasakyan. Nagulat na lang ako ng makita ko muli iyon sa garahe. Ok na

ok na uli iyon, dahil wala na yung basag niya sa bintana. Mukhang bago pa nga itong carwash at mas

kumintab na iyon.

Tumingin ako sa kanya. Sobra akong natouch sa ginawa niya. Para akong kininilig sa kanya kasi nag-

effort para siya para sa akin.

Why is he doing this, mahal niya ba talaga ako.

Napabuntong hininga na lang ako at sumakay na lang sa sasakyan.

Walang imikan sa aming dalawa, punong puno ng awkwardness ang paligid namin. Why is it always

awkward between of us. Bakit naimbento pa ang salita na iyan, tuloy hindi ako mapakali dito. I want to

get out, para bang lumiliit lang ang paligid sa pagitan naming dalawa.

Pinili ko na magconcentrate sa pagmamaneho ko, baka hindi kami makarating ng maayos kung

masyado akong magpapaapekto sa kanya.

Pero how could I, kung ramdam na ramdam ko yung matatalim niyang titig, it makes me shiver.

Nagiging abnormal uli ang tibok ng puso ko. Lalo na nang hawalan niya yung kamay ko habang hawak

ko yung clutch. May kuryente akong naramdaman na nagdikit ang balat namin. Bakit kasi laging

ganoon ang epekto niya sa akin, nakakainis nagiging abnormal ako sa tuwing kasama siya.

Imbis na makafocus sa pagmamaneho ay mas lalo akong nadidistract. Please Lukas, tumigil-tigil ka Copyright by Nôv/elDrama.Org.

baka hindi kayo makarating sa unit mo.

I sigh, para maibsan kahit papaano yung pakabog ng dibdib ko, pero parang wala pa rin itong epekto,

because he exist, at wala siyang alam gawin kundi pakabugin ang puso ko, kahit sa simpleng actions

lang niya.

Ganito pala yun, kapag inlove ka, titibok ng titibok ng mabilis ang puso mo kapag kasama mo ang

taong mahal mo. Buti wala pang naibabalita na lumabas na ang puso sa sobrang lakas ng tibok kapag

kasama nila ang mahal nila.

Laking pasasalamat ko ng makarating kami sa unit niya ng maayos at ligtas. Agad kaming pumasok sa

elevator para makapunta sa unit niya. Hawak hawak niya lagi ang kamay ko, pilit kong inaalis ang

kamay ko sa kanya. Hindi pa rin mawala-wala ang kuryenteng nagmumula sa kanya sa tuwing

madidikit ang balat namin, it makes me shiver always.

Kumunot ang noo ko nang mas mahigpit niya pa itong hawakan.

"Please don't let go, let me hold your hand." Maawtoridad niyang sabi, wala na akong choice kundi

magpaubaya na lang kahit ramdam na ramdam ko yung kuryenteng nagmumula sa kanya.

Sus Anikka! Gusto mo rin naman na hinahawakan ka niya.

Whatever!

Nakarating na rin kami sa unit niya, agad siyang pumasok sa kwarto niya. Aba! Iniwan ako basta dito.

Matagal din siyang nawala, aba natulog na yata doon at hinayaan ako mag-isa dito. Loko lokong lalaki

iyon.

Nilibot ko muna yung unit niya, infairness malinis din pala siya sa gamit niya, wala kang makikitang

dumi. Hanggang sa makarating ako sa counter ng kitchen.

Napatingin ako doon sa may nakatoob na picture.

Me and her, 2010

Napakunot ang noo ko, ano kaya ito? Sino kaya ang sa picture. Malapit ko na sanang damputin iyon

ng may marinig akong boses sa likuran ko.

"Anikka." Humarap ako sa kanya at hinayaan yung picture na nakatoob dahil na rin sa nakuha niya

agad ang atensyon ko. Wala lang naman siguro yung picture na iyon at huwag ng masyadong isipin.

Saka paano niya hindi makukuha ang atensyon ko, ang gwapo gwapo niya ngayon. Kulang pa yata

ang salitang gwapo para idescribe kung gaano siya kagandang lalaki. Nakabrush up ang buhok niya

na bagay na bagay sa kanya at malinis na yung mukha niya dahil nawala yung mga stubbles niya, mas

lalo tuloy gumwapo ang mokong. Polo shirt at maong pants yung suot niya.

"Prepare yourself, in twenty minutes, may pupuntahan tayo." Tapos ay may inabot siyang pink na dress

sa akin. Tinitigan ko lang iyon, simple lang siya at maganda sa paningin. Pero hindi naman na niya ako

kailangan bigyan ng damit meron ako oh. Hindi ba ako mukhang nakaayos sa paningin niya. Kahit

blouse at mahabang skirt ang suot ko nag-ayos naman ako kanina.

"Gusto mo bang ako ang magbihis sayo?" Nanlaki agad ang mga mata ko at bumalik sa huwisyo. No!

Hindi pwede. Dali dali akong pumasok sa kwarto niya at nilock iyon. Mahirap na kapag nagmatigas pa

ako kahit ayaw kong magsuot ng dress, susuotin ko na ito. Baka kung ano pang manyari sa akin.

Na gugustuhin mo naman.

Putyang kunsensya yan! Kailan natutong maglandi! Noong nakilala siya?

Pagkatapos magbihis ay sinuklay ko yung buhok ko, hinayaan ko ang mga ito na nakalugay sa dalawa

kong balikat. Naglagay na rin ako ng kaunting powder at lip balm.

Napatingin ako sa sarili ko, ok naman na siguro ito. Hindi na aangal ang hinayupak na iyon, wala rin

naman kasi akong make-up

Napahawak ako sa may gilid ng mata ko. Hindi na ako kasi nakapagsuot ng salamin, ewan ko ba pero

hindi na muli akong nagpagawa ng bago. Nasanay na rin ako sa contact lens, they are not bad at all.

"Baby, are you done." Napahinto ako ng marinig siya.

"Oo tapos na." Then lumabas na ako ng kwarto niya, masyado yata akong natagalan at pinahintay ko

siya masyado.

Agad na kaming bumaba sa unit niya, hawak niya muli yung mga kamay ko.

Pwede niya bang bitawan? Kahit saglit lang. Nagiging abnormal na naman ang puso ko.

Hanggang sa tumapat kami sa isang Montero Sport at binuksan niya ang pintuan sa passenger seat.

Teka nasaan yung ferrari niya?

"Tss. Ken borrowed it." Aniya at tila nabasa niy yung nasa isip ko, sumakay na rin ako kaagad at

pagkatapos ay sumakay na rin siya.

Habang nagmamaneho ay hawak niya pa rin ang kamay ko at tila ayaw niyang bitawan.

Gawd Lukas! Hindi ako aalis.

Ang higpit kasi ng pagkakahawak niya doon tila ayaw akong pakawalan.

Huminto kami sa isang bundok, bumaba na siya ng tuluyan sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

Dito lang pala kami sa bundok magdedate pinagsuot niya pa ako ng dress. Sana ay hindi na lang ako

nagpalit, nagsayang lang ako ng energy.

Bumaba ako ng sasakyan at halos mapanganga sa nakita. Ang ganda ni view, parang kitang kita ko na

yung buong metro dahil sa dami ng ilaw na nakita ko. It is so Fantastic, hindi ko mapigilan na mangiti.

Grabe talaga, para akong nasa Baguio dahil na rin sa malamig na simoy ng hangin saka ang mga

tunog ng kulisap na kay sarap pakinggan.

Napayakap ako sa sarili ko dahil medyo giniginaw ako. Kainis talaga di na lang talaga ako sana

nagdress kung ganito ang mangyayari sa akin.

"Langya ka Lukas! Di na lang sana ako nagdress! Ang ginaw ginaw kaya dito." Singhal ko sa kanya,

nangigitata na ako sa lamig sa lamig dito.

Napatili ako na bigla akong niyakap ni Lukas mula sa likuran.

"You're cold? I'll make you warm or even hot." Aniya at may kasama pa iyon na malademonyong ngisi.

Parang double meaning pa ang nais niyang ipahiwating. Hinayupak siya talaga.

Tama nga siya, hindi na ako masyadong nilalamig. His warm hugs makes me more comfortable, para

gusto kong mas mag lean on sa kanya at damhin ang init ng yakap niya. Pakiramdam ko protektadong

protektado ako sa mga bisig niya.

Tapos ay nakapatong ang mukha niya sa leeg ko ramdam na ramdam ko yung hininga niya.

Napapikit na lang ako sa namumuong tensyon na namumuo sa akin, my heart is beating fast at

nakakakiliti ang paghinga niya.

Yung dapat na itulak ko siya palayo ay hindi ko magawa, hinayaan ko lang siya doon, tila ba gustong

gusto ko yung ginagawa niya. Pakiramdam ko ginagawa niya iyon hindi dahil sinusumpong na naman

siya ng kamanyakan niya, kundi mahal niya ako.

Sabihin niyo na na nag-iilusyon ako pero ganoon talaga ang nararamdaman ko.

"I love this baby, yung magkayakap tayo habang tumitingin sa mga magagandang view. I wish that we

can do this everyday." Aniya.

I love it to Lukas, kahit pa tambakan ng basura yung view natin ok lang basta kasama kita.

Sabi ko na lang sa isip ko at wala pa akong lakas na loob na sabihin sa kanya iyon. Tanging ngiti lang

ang sagot ko sa kanya. Atleast naipakita ko na gusto ko yung sinabi niya at ngumiti rin siya pabalik.

Muli ay parehas kaming nakatingin sa mga ilaw na nanggagaling sa metro. Pero iba na ngayon,

nilalaro niya yung mga kamay ko at yakap niya pa rin ako.

Napangiti ako, kasi sabi nila, kapag nilalaro daw ng isang lalaki yung kamay mo, ibig sabihin ay mahal

ka niya. Ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa niya, I feel loved at siya lang ang tanging

makakapuna.

Maya maya ay hinarap niya ako sa kanya, hindi pa rin nawawala ang pagkakahawak ng kamay namin.

"I love you so much Anikka. Maniwala ka man sa hindi pero mahal na talaga kita. In that short period of

time I've fallen I love with you.

Natameme ako, kasama na doon ang paghurementado ng puso ko, mas mabilis ito kumpara kanina.

Mapahawak ako sa dibdib, baka di ko kayanin ang lakas na kabog nito

Huh? Ano? Mahal niya ako? Hindi niya ba ako niloloko? Hindi ba ako nanaginip.

Pero paano ko iyon masasabi na nagsisinungaling siya, kung titig na titig siya sa akin at wala iyon

bahid ng panloloko, punong puno ito ng sinseridad.

Napapikit ako at tila bumabalik sa akin ang mga nangyari. Mahal niya ako! Mahal niya ako!

Pero kaya ko ba itong sabihin sa kanya?

Kung sabihin ko man ang tatlong salitang ito sa kanya ibig sabihin handa na ako masaktan. I love him,

and I would not deny it. Walang ng dahilan para ideny ko pa ang mararamdaman ko. It is clear na

mahal ko siya, but I cant say it to him right now, natatakot ako sa maaring mangyari, hindi pa ako

handa. Paano kung hindi totoo na mahal niya ako at pinaglololoko lang niya ako. Natatakot talaga ako..

Titig lang ang kaya kong isagot sa kanya.

Binigyan ako muli ni Lukas ng matatalim na titig. Tila nanghahamon ito.

"I'll make sure that you will love me too. I'll make you fall."

Make me fall, he did that already I already love him.

"No Lukas." Mariin kong sabi, tapos ay binigyan biya ako ng nagtatakang tigin.

"Why?" Aniya, pagkatapos ay yumuko siya, kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mata. Pagkatapos

ay tumalikod siya sa akin at rinig na rinig ko yung buntong hininga niya. Why? Bakit ganoon?Wala

siyang dapat ikalungkot, it is not what I mean. I love him too.

Huminga ako ng malalim para sabihin ito. Handa na ba ako? Kaya ko na ba?

I close my eyes.

"Because you already did."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.