Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 92



Kabanata 92

Naramdaman ni Madeline na kaagad na kumalma ang puso niya at nawala na ang init, lumamig ang

dugo niya sa kanyang mga ugat.

Haha.

Ang isipin na inakala niya talagang nagseselos ito. Kalokohan.

Kahit na sadyang nagiging mahigpit lang ito at pinapakitang dominante siya.

Isa lamang siyang kasangkapan sa dula nito.

Malungkot na ngumiti si Madeline, nang maramdaman niya na palapit si Jeremy mula sa likod. "Iiwan

ko na sa iyo ang asasa ko, Uncle Felipe. Salamat sa pagbabantay sa kanya," Pinasalamatan nito si

Felipe.

Maginoong ngumiti si Felipe. "Syempre."

Kahit na di bumili ng scarf si Madeline, bumili siya ng band-aid para takpan ang pulang bakas na

iniwan sa kanya ni Jeremy.

Umupo siya at nagsimulang magtrabaho. Di nagtagal, nagsimula siyang makatanggap ng mga galit na

mensahe mula sa ilang mga di kilalang numero. Lahat ito ay inaaway siya sa kung gaano daw kakapal

ang mukha niya na akitin si Jeremy.

Napakadali na hulaan kung sino ang may pakana nito dahil walang iba kundi si Meredith ang

magbibigay sa kanya ng ganitong mga mensahe.

Ang makakuha ng ganitong reaksyon mula kay Meredith, alam na ni Madeline na baka nakita rin nito

na hawak siya ni Jeremy sa sulok ng pader.

Habang binabalewala ang mga malisyosong mensahe, nagpatuloy siya sa trabaho.

Makalipas ang isang sandali, tumawag ang mga utusan ng Whitman para sa hapunan.

Napagpasyahan rin naman ni Madeline na bisitahin ang Old Master Whitman dahil hindi maganda ang

kalagayan nito nitong nakaraan.

Paglabas niya, huminto si Madeline para bilhin ang paboritong muffin ng Old Master bago sumakay ng

bus papunta sa Whitman Manor. Content rights by NôvelDr//ama.Org.

Pagpasok sa mga pinto, nakita niya si Meredith na kumakain ng prutas sa sofa. Katabi nito nakahiga si

Jackson, tulog at ang ulo nito ay nakapatong sa unan.

Hindi napigilang tumikom ang puso ni Madeline nang makita niya ang bata.

Laging nandun ang sakit sa alaala ng gabi na manganak siya at ang batang hindi siya nagkaroon ng

pagkakataon na makita.

"Hello."

Hindi nagulat si Meredith nang makita si Madeline.

Habang binabalewala ito, nagpatuloy si Madeline na pumasok sa bahay. Paglapit niya sa hagdanan

para hanapin ang Old Master, narinig niya ang madilim na boses ni Meredith mula sa likod. "Wala dito

yung gurang na yun."

Galit na lumingon si Madeline sa mga sinabi ni Meredith.

"Iyon pa rin ang lolo ni Jeremy, Meredith. Paano mo siya natatawag na ganun? Paano kung marinig ka

ng mga Whitman?"

"Hmph." Suminghal si Meredith at sinulyapan si Madeline nang may hinanakit. "Anong problema na

tawagin ko siyang gurang kung ganun naman talaga siya? Bakit, nasasaktan ba doon?"

"Meredith…"

"Matagal na sana ako naging Mrs. Whitman kundi dahil sa matandang yun. Sabagay, siguro di na rin

masama ngayong dinala na siya sa ospital dahil sa inaatake siya sa puso."

"Sandali, inatake sa puso si Lolo at dinala sa ospital?"

Naramdaman ni Madeline na lumubog ang puso niya at may namuong sakit sa kanyang sikmura.

"Nasaang ospital siya Meredith?"

"Pfft." Mapangutyang humagikhik si Meredith. "Sino ka ba para malaman yun? Sino ka ba sa tingin

mo?"

Nang ihagis ang kutsilyong hawak niya, galit siyang naglakad patungo kay Madeline.

"Tingnan mo sarili mo, Madeline, dukha at mabaho. Sino ka para agawin ang lalaki ko? Tingin mo

ginawa ni Jeremy yung kanina dahil may gusto siya sayo? Laruan ka lang sa paningin niya!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.