Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 79



Kabanata 79

Ngumiti si Madeline. Paalis na sana siya nang makita niyang nakatingin sa kanya si Jeremy. "Mag-

almusal ka muna." Original from NôvelDrama.Org.

Ano?

Hindi makapaniwala si Madeline sa kanyang narinig.

Kailan pa siya natutong makipag-usap ng maayos sa kanya at kailan pa ba siya nakakain ng kasama

siya, lalong-lalo na sa agahan?

"Madam, nakahanda na po ang almusal niyo." Ngumiti si Mrs. Hughes kay Madeline.

Pagkatapos niyang mag-alinlangan sandali, lumapit na rin si Madeline para kumain.

Tiningnan niya ang hapagkainan. May nakahaing cereal at toast at pati na rin ang tinapay na gawa

mismo ni Mrs. Hughes. Gusto ni Madeline ang ganitong almusal.

"Umupo ka dito." Hinila ni Jeremy ang bangko sa tabi niya.

Tumingin si Madeline sa kanya at sinabing, "Hindi, masyadong malapit. Baka madumihan kita, Mr.

Whitman."

Pagkatapos, umupo siya sa bangko na salungat sa inuupuan ni Jeremy.

Agad na dumilim ang mukha ni Jeremy. Para bang may nagbabadyang bagyo.

Kinabahan si Madeline nang makita niya ang reaksyon ni Jeremy. Yumuko siya para kumain ng cereal

at nanahimik na lamang.

Tumingin si Jeremy kay Madeline at suminghal. "Talagang ayaw mo nang makasama ang asawa mo

ah. Hindi ka na ba makapaghintay na makita yung lalaking yun?"

Yung lalaking yun?

Napahinto si Madeline. Naguluhan siya at napatingin sa mga mata ni Jeremy.

"Madeline, di ba sinabi mo ako lang ang mamahalin mo sa buhay na 'to? Patapos na ba ang buhay mo

ngayon?"

Nagtagumpay siya sa pang-iinis niya kay Jeremy.

Kumagat si Madeline sa kanyang toast at nang-aasar na nagsalita. "Oo, patapos na ang buhay ko."

Noong marinig niya ang sagot ni Madeline, biglang naging seryoso si Jeremy.

"Sinasabi mo ba na may mahal ka nang ibang lalaki?" Ang seryosong tanong ni Jeremy.

Ngumisi si Madeline. "Siguro."

"Madeline Crawford! Ikaw…"

Pakiramdam ni Madeline ay malapit nang sumabog si Jeremy nang biglang tumunog ang doorbell.

Binuksan ni Mrs. Hughes ang pinto at agad na pumasok si Meredith.

"Jeremy, bakit hindi mo 'ko pinuntahan kagabi…" Biglang nagbago ang tono ng boses ni Meredith bago

pa man niya matapos ang kanyang sasabihin.

Nakita ni Madeline na magbago ang ekspresyon ni Meredith mula sa malayo. Halatang galit na galit si

Meredith, pero pinilit pa rin niyang ngumiti. "Maddie, b-bakit ka nandito?"

Tumingin si Madeline kay Jeremy at nginitian niya si Meredith. "Ms. Two-faced, anong sinasabi mo?

Bahay ko 'to. Hindi ba ako pwedeng mag-almusal kasama ang asawa ko?"

"..." Nagbago ang ekspresyon ng mga mata ni Meredith. Humigpit ang hawak niya sa kanyang pitaka

at naglabasan ang mga ugat sa kanyang mga kamay. Subalit, magaling pa rin siya sa pag-arte.

Lumapit siya kay Jeremy na may lungkot sa kanyang mukha. "Jeremy, hindi ba ako dapat nagpunta

dito? Tingin ko nagseselos nanaman si Maddie."

Binaba ni Madeline ang kanyang kubyertos at tumayo. "Mukha kang nasuntok sa mukha. Tingnan mo

nga sarili mo. Parang nilamukos yang mukha mo."

"..." Nanggigil sa galit si Meredith.

"Busog na 'ko. Maglandian na lang kayo dyan."

"Saan ka pupunta?" Ang tanong ni Jeremy kay Madeline.

"Syempre, papasok ako sa trabaho." Ngumiti si Madeline. "Hindi naman ako gaya ng mayayamang

babae dyan na kayang magtsaa at magshopping buong araw."

Sumimangot si Jeremy at lumapit kay Madeline. "Ihahatid na kita."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.