Iris Luna

PROLOGUE



***

"Si Haring Solomon III ay kilalang pinakamahusay na hari sa Pilipinas noong taong 1892. Kung saan sa taon ding iyon ay nasaksihan nila ang Katipunan (KKK), alam naman nating lahat na ito ang daan upang makawala sa masikip na pamamalakad ng mga Spanish."

Hays! Boring naman. Alam ko na kaya ang takbo ng history na 'yan. Halos lagi ko 'yang binabasa dito sa library namin dahil kailangan talaga namin matinding pag-aralan dahil sa research namin. Inalis ko ang pagkakalumbaba ko dahil malas raw iyon.

"That's all for today class. Don't forget to pass your research paper before end of semester. Have a nice day."

Agad-agad akong tumayo at sinukbit sa balikat ko ang bag. Excited na kaya akong umuwi! Nagugutom na ako eh. Saka tanghali pa naman ngayon kaya sobrang init na naman sa labas. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng pantalon at agad dumiretso sa comfort room. Kailangan ko munang mag-ayos ng sarili ko. Hihi!

Napatingin ako sa pigura ko sa salamin. Long black wavy hair, white skin, red pouty lips and brown eyes. Inayos ko lang ng konti ang wavy kong buhok at naglagay ng headband sa ulo. I don't need to put on a lipstick 'cause my lips is already red. Ta-da! I'm done.

Hi-hi-hi! Sana nandoon pa siya ngayon. 'Di naman ako natagalan masyado sa comfort room 'di ba?

Ays! Basta.

Agad na akong nagmadali papunta sa field ng aming school na madadaanan lang papunta sa gate namin.

My eyes twinkled at the sight of my beloved crush. AAAAAAAAAAAA! Why so handsome?

Inayos-ayos ko ang buhok ko at kunwaring nagpa-cute. Loka! Akala mo naman mapapansin ako eh sobrang cold no'n.

Napatawa na lang ako sa naiisip ko at ginawaran na lang si crush ng last look bago ako ulit naglakad palabas ng gate ng aming school.

It made my day. Yohoo!

Sumakay na ako ng bus pauwi. Buti na lang may aircon dito dahil pawis na ako sa paglalakad. Hindi naman ako mangangamoy dahil duh... ang bango ko kaya noh! Kahit sino ma-i-inlove sa akin. Wahahaha! Char. Asa naman ako. Kaya naman pala inlove sa akin si crush 'no? *insert sarcasm here*

"T*ngina!"

Singhapan ng mga tao sa loob ng bus ang narinig ko pagkatapos mag-mura ng driver sa harapan. Sinuri ko ang nangyayari. Tsk! Mga chismosa lang siguro 'yon. Hindi ko na pinansin ang nangyayari sa paligid. Tinuon ko lang ang atensyon ko sa bintana.

"WALA NA DAW PRENO ANG BUS! AYOKO PANG MAMATAY!"

Tila parang tangang nag-sigawan ang mga tao sa paligid. Pero ano daw?

Walang preno? Ibig sabihin...

0-0

SHOKEMS! Mamamatay na ba ako? Gulat na gulat akong napalingon sa driver sa harapan na ngayon ay kasalukuyang hinahampas ang manibela. Nataranta na rin ako sa nangyayari at napapaiyak na ngayon.

'Wag naman sana! Kaya nga ako nag-aaral ng mabuti para makapagtapos at maging nars. Gusto ko pang matupad ang pangarap kong iyon. Kaya, Lord! Huwag naman...

Napatingin ako sa kasalubong naming truck. Kapag hindi kami pumreno ay babangga kami sa kaniya. Kaso... wala na daw talagang preno, paano kami hihinto niyan?noveldrama

Papalapit ng papalapit ang truck sa amin. Rinig kona rin ang iyakan ng mga tao sa loob ng bus. 'Yung iba nagdadasal, 'yung iba sumisigaw at nanghihingi ng tulong. Habang ang driver pilit nag-p-preno pero 'di talaga humihinto ang bus. Napangiti na lang ako ng mapait bago ipinikit ang mga mata ko.

*Loud Noise*

*Crashing*

***


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.